by LIAM_SKETCHY
Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan kami magkikita ng napakagaling kong boyfriend. Tinawagan nya ako dahil may mahalaga raw kaming dapat pag-usapan, bigla akong kinutuban ng sabihin nya saakin habang kausap ko sya sa phone. Tumingin ako sa wristwatch ko at nang makita ko ang oras ay magse-seven na pala nang gabi. Tumingin ako sa labas upang hanapin ito at hindi naman ako nabigo dahil sakto ang kanyang dating nang patayo na ako kaya naman bumalik na lamang ako saaking inuupuan. "You're one…